When was the last time you had that 'Anabelle Rama' moment wherein you don't give a damn whoever you are shouting at and don't care who sees, hears, or reacts - NO ONE'S ANYONE FOR AS LONG AS YOU ARE ANGRY. Well. that kind of temperament might cause you ending up in prison dear and costing you to a lot for the emotional and physical damages that were results of your "poiseless" anger.
Hindi na ata bago sa mga Filipino ang mga naghahabulan ng saksak sa daan (oh well ang sabi ko, hindi bago, hindi ko sinasabing sanay na). Kung nakatira ka sa isang community na maraming laging galit o hindi naman kaya ay maraming hindi bumababa sa tiyan ang iniinom kundi dinedefy ang gravity at umaakyat sa utak; malamang eh naging pate na ng extreme sports na tina-try mo ngayon ang pag-iwas sa mga mananaga o kung talagang balat ang pwet mo (oo, wala na sa pwet ang balat kundi yung pwet na mismo sa sobrang malas) eh makaka-encounter ka pa ng pinsan ni Rambo at hindi ka na niya hahabulin ng taga; BALA ang tatakbo para maabutan ka. Kailangan makapag-train ka ng parkour para lang makalusot,makatalon at kung anu-ano pang death defying stunts para mabuhay at makaligtas.Okay, so oo ang extreme ng mga naiisip ko ngayon pero wala eh. madalas talaga 'tong mangyari. Pala-away ba talaga tayo o instinctive ang mag bagay na ganyan? Teka, instinctive... Ang mga sakop lang ng irrational behaviors ay mga lower forms ng animals at saka yung mga babies. Sila yung mga tipong walang kakayahang mag-isip ng tama sa mali at nagco-cope lang sa environment based sa kanilang instincts. So balik tayo sa topic... Paano yung sobrang magalit, yung walang kilalang kaibigan, kamag-anak o kung sino mang Pontio Pilato kapag nagagalit? Pansamantala ba silang nagiging lower forms of animals? Sa totoo lang, habang tinatype ko 'to, naiisip kong:
Bakit hindi ko na lang i-google? - oo nga naman.
Kaso wala nang thrill. Google na naman? Paano kung walang google?
- eh meron na nga 'di ba?
So ano, lahat na lang sa google kukunin?
-bakit hindi?
Kawawa ka naman. Ang mga iniidolo mong kung sinong great people, hindi gumamit ng google para maging magaling.
- sa palagay ko kung nag-exist din ang google dati pa, malamang... number one users sila ng google.
Teka ang gulo na ng blog na 'to. Baka naaasar ka na sa pagbabasa ng article na'to kaya tatapusin ko na. Baka mamaya habulin mo ng popsicle stick ang kapitbahay niyo sa asar- lugi ka; 'wag mong gawin kasi mukhang tanga promise. Ikaw na ang bahalang mag-isip at magduktong. Salamat sa pagtambay sa bago kong blog. Stay KEWL B).

